Modernisasyon ng AFP aircraft fleet oks sa solon

Modernisasyon ng AFP aircraft fleet oks sa solon

July 8, 2021 @ 12:57 PM 1 year ago


Manila, Philippines – Suportado ng mga mambabatas ang naging pagtiyak ni House Speaker Lord Allan Velasco na isasama sa 2022 national budget ang modernisasyon para sa Armed Forces of the Philippines (AFP) partikular ang pagbili ng mga modernong aircraft fleet para sa Philippine Air Force (PAF).

“We join Speaker Velasco in his efforts to help the PAF upgrade and modernize its aircraft fleet to prevent military aviation accidents and unnecessary non-combat casualties in the future,”pahayag ni Herrera.

Una nang ipingako ni Velasco na isasama sa national budget para sa susunud na taon ang pagbili ng C-130 matapos ang naging insidente kamaikailan sa Jolo,Sulu kung saan bumagsak ang eroplano ng PAF at nasawi ang may 52 katao habang 44 iba pa ang sugatan.

Ani Herrera, ang AFP modernization program ay isang malaking hakbang para tiyakin ang kaligtasan ng mga sundalo.

“It is important for us in Congress to make sure that sufficient funds are available for the AFP’s modernization priorities.It is high time that we modernize the military’s hardware and equipment, particularly its aircraft.”

Nagpaabot din ng kanyang pagdadalamhati ang lady solon sa mga pamilya ng biktima ng Jolo military plane crash.

“While our hearts are filled with sorrow for the supreme price they paid, we acknowledge with sense of gratitude to them their selfless services to the Filipino nation,” dagdag pa ni Herrera.

“We pray that this kind of national tragedy will never happen again.” Gail Mendoza