Modernisasyon sa PAF isinusulong kasunod ng military plane crash

Modernisasyon sa PAF isinusulong kasunod ng military plane crash

January 29, 2023 @ 11:02 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Muling binuhay ng Philippine Air Force (PAF) ang kahalagahan ng modernisasyon kabilang ang pagkakaroon ng mga bagong eroplano kasunod ng nangyaring military plane crash kamakailan.

Ayon kay PAF spokesperson Col. Ma. Consuelo Castillo, luma na ang kasalukuyang mga eroplano na ginagamit nila kabilang ang SF260TP Marchetti plane na bumagsak sa isang palayan sa Pilar, Bataan nitong Huwebes, Enero 26 na ikinasawi ng isang piloto at sakay nito.

Ang naturang Italian light craft ay ginagamit na ng bansa simula pa noong 1992 na naging kagamit-gamit sa mga internal security operation at counter-terrorism efforts nila kabilang na ang Marawi siege.

ā€œBig factor po kung bakit minsan nagtatagal po ang utilization natin of a certain type of aircraft is siyempre kailangan din natin ng more modern replacements. That’s why napaka-importante po na masuportahan ang ating modernization projects to have more updated aircrafts,ā€ ani Castillo.

Sa kabila nito, siniguro naman niya na napapangalagaan ang mga eroplano at nasa maayos na kundisyon.

ā€œEven if medyo may edad na po ā€˜yung mga current fleet natin, we ensure na well-maintained po sila. Just like any other vehicle, kahit na hindi na po siya modelo basta ho maganda ang ating maintenance procedures, we are very strict in our…scheduled maintenance, we will be able to maintain the good condition of our aircraft,ā€ sinabi pa niya.

Ani Castillo, patuloy pang inaalam ng mga imbestigador ang dahilan ng pagbagsak ng naturang eroplano.

Sa kasalukuyan ay grounded ang lahat ng apat na SF260TP aircraft bilang bahagi ng standard operation procedure habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

ā€œ[This is] to establish the circumstances behind the incident and for the safety of our airmen,ā€ pahayag ng Armed Forces of the Philippine.

ā€œKung ma-ground man po ā€˜tong ating aircraft na ito, patuloy pa rin ang ating mission accomplishment because we have other types of attack aircraft, fixed-wing and rotary po, to perform this combat operations,ā€ sinabi naman ni Castillo. RNT/JGC