Modified number coding scheme nakatulong sa EDSA traffic- MMDA exec

Modified number coding scheme nakatulong sa EDSA traffic- MMDA exec

December 7, 2021 @ 12:12 PM 10 months ago


MANILA, Philippines- Ibinalit ng isang opisyal ng Metropolitan Manila Development Authority nitong Martes na bumuti na umano ang lagay ng trapiko sa EDSA matapos ipatupad ang  modified number coding scheme sa National Capital Region.

Sa panayam sa radyo, binanggit ni Traffic Engineering Center director Naoemi Tibayan ng MMDA ang mas mabilis na pagbiyahe at mas maikling pila ng mga sasakyan sa naturang lugar.

“Ang initial assessment namin last week, napuna namin by 8 p.m. medyo maluwag na,” pahayag niya.

“Nag-improve naman at bumilis ‘yung travel speed,” dagdag pa ni Tibayan.

Noong Disyembre 1, muling ipinatupad ng ang modified number coding scheme mula alas-5 ng hapon hanggang alas-8 ng gabi tuwing weekdays, maliban sa holidays, na para lamang sa mga pribadong sasakyan.

Sinuspinde ang number coding scheme sa Metro Manila noong isang taon sanhi ng limitadong public transportation sa gitna ng pandemya. RNT/SA