Modified tariff rates ng piling produkto pinalawig ni PBBM

Modified tariff rates ng piling produkto pinalawig ni PBBM

January 4, 2023 @ 9:38 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Tinintahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang isang executive order (EO) na naglalayong i-extend o palawigin ang temporary modification ng rates ng import duty sa iba’t ibang produkto kabilang na ang karne, mais at bigas para mapanatili ang “affordable prices” at madagdagan ang suplay ng agricultural commodities sa bansa.

Sa ilalim ng Executive Order (EO) No. 10, nilagdaan ni Pangulong Marcos noong Disyembre 29, 2022, “the reduced Most Favored Nation (MFN) tariff rates on meat of swine (fresh, chilled or frozen) at 15 percent (in-quota) and 25 percent (out-quota); corn at 5 percent (in-quota) and 15 percent (out-quota); rice at 35 percent (in-quota and out-quota); and coal at zero duty, shall be extended until Dec. 31, 2023.”

“There is a need to extend the effectivity of the reduced tariff rates on rice, maize (corn), coal, and meat of swine (fresh, chilled or frozen) to maintain affordable prices for the purpose of ensuring food security, help augment the supply of basic agricultural commodities in the country, reduce the cost of electricity, and diversify the country’s market sources,” ang nakasaad pa rin sa EO.

Sa oras na maging epektibo na ang EO, ang lahat ng artikulo o bagay lalo na iyong nakalista, pumasok o binawi mula sa warehouse o bodega sa bansa “for consumption” ay papatawan ng “MFN rates of duty.”

“Subject to a semestral review” matapos ang Dec. 31 ngayong taon ang tariff rates sa uling.

Magsusumite naman sa Pangulo ang National Economic and Development Authority (NEDA) Committee on Tariff and Related Matters, sa pamamagitan ng Office of the Executive Secretary, ng kanilang mga natuklasan at rekumendasyon sa nasabing usapin, kabilang na ang “analysis at monitoring” sa coal market.

Mababasa pa rin sa EO na ang kasalukuyang global economic situation dahil sa Covid-19 pandemic, at iba pang dahilan na nakaapekto sa traditional sources ng bansa sa bigas, mais, uling at rice, “fresh, chilled or frozen meat” ng baboy ay “causing uncertainty in the steady supply of said commodities.”

Tinukoy din nito kung paano ang mataas na inflation sanhi ng supply constraints, inasahan ang kakapusan sa global supply, at pagtaas sa international commodity prices ang dahilan ng implikasyon sa ekonomiya at kalakalan sa bansa at mamamayang Filipino.

Sa ulat, ang “EO Nos. 134 and 135 temporarily modified the MFN rates of import duty on meat of swine (fresh chilled or frozen) until May 17, 2022 and rice until June 1, 2022.”

“EO No. 171, on the other hand, extended the effectivity of the reduced tariff rates under EO Nos. 134 and 135, and reduced the tariff rates on maize and coal until Dec. 31, 2022.”

“Section 1608 of Republic Act 10863 or the Customs Modernization and Tariff Act empowers the President to increase, reduce, or remove existing rates of import duty “in the interest of general welfare and national security,” ayon sa ulat. Kris Jose