Moira, bumaba ang timbang; netizens, nag-aalala na!

Moira, bumaba ang timbang; netizens, nag-aalala na!

July 20, 2022 @ 7:30 PM 4 weeks ago


Manila, Philippines – Paano kaya maipaliliwanag ni Moira dela Torre ang kanyang weight loss?

Balitang 25 lbs ang nawala sa singer-songwriter.

Marami tuloy ang nagpapalagay na may kinalaman sa kanyang weight loss ang paghihiwalay nila ng asawang si Jason Marvin Hernandez nitong May.

Hanggang ngayon, hindi malinaw ang dahilan ng kanilang separation.

On her part, tinitiyak niyang wala namang third party involved.

Sa parte naman ni Jason, minsan lang daw siyang naging unfaithful sa kanyang misis.

Worried ang mga supporters ni Moira sa pagbaba ng timbang nito unless nagda-diet daw ito.

Posible raw kasing dinibdib nito ang masaklap na kinahinatnan ng relasyon nila ni Jason kahit sabihin pang ilang taon pa lang silang kasal.

Good thing, may social life pa rin daw si Moira.

Active pa rin siya sa kanyang career.

Mas mabuti na raw ‘yon kesa magmukmok siya sa isang tabi.

Pero payo ng mga concerned netizens, magpakonsulta na rin si Moira sa doktor kung hindi diet-related ang kanyang weight loss. Ronnie Carrasco III