Moira Dela Torre, idinaan sa kanta ang kalungkutan sa tuluyang pagkawala ng ABS-CBN!

Moira Dela Torre, idinaan sa kanta ang kalungkutan sa tuluyang pagkawala ng ABS-CBN!

July 2, 2020 @ 8:14 AM 3 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Unquestionably ay marami talaga ang nalulungkot lalo’t tuluyan nang pinutol ang pagpapalabas ng ABS CBN content sa digital box at sa cable channels.

Iba’t ibang paraan ang ginagawa ngayon ng mga Kapamilya stars kung paano nila pinakikita ang kanilang suporta sa tuluyang pagkawala sa ere ng kanilang mother network.

Idinaan naman ni Moira de la Torre sa isang emosyonal na kanta ang kalungkutang nadarama sa nangyayari ngayon sa istasyong nagpasikat sa kanya.

Sa kanyang Instagram Account ay pinost ni Moira ang isang video kung saan ay emosyonal niyang kinakanta ang “Hanggang sa Huli” na para na rin niyang sinasabi na kasama siya ng Kapamilya network sa kabila ng bigat ng problema nito ngayon.

“As the season gets harder and harder, I hope you remember that this is all it’s gonne be, a hard season.

“Because at the end if the day, whatever other people might say about our family, this is always what we are gonna be, a family,” sabi pa niya sa unang parte ng kanyang mahabang caption.

Sa dulo ng kanyanv caption ay sinabi ni Moira na binibigyan niya ng mahigpit na yakap ang kanyang channel 2 family at kasama raw siya ng network hanggang sa huli.

Nag-coment naman si Julia Monted sa kanyang post at inamin nito pati siya ay nai-iyak na sinundan nito mg tatlong puso.

“Always making me cry,” sabi pa ni @montesjulia08.

Sa ngayon ay patuloy pa ring dinidinig sa kongreso kung papahintulutan pa bang muling bumalik sa ere ang ABS CBN o hindi na. Joey Sarmiento


  •  
  •  
  •  

Loading...