Moira, nagsalita na sa ‘cheating issue’ kay Zack!

Moira, nagsalita na sa ‘cheating issue’ kay Zack!

June 4, 2022 @ 10:56 AM 4 weeks ago


Manila, Philippines – Ilang araw matapos ianunsyo ni Jason Hernandez at Moira dela Torre ang hiwalayan, iba’t-ibang kwento ang lumabas mula sa netizens.

Mostly, puro kay Jason ang sisi pero hindi pa rin nakaligtas si Moira at may lumabas na statement saying siya ang unang nag-cheat kay Jason emotionally.

Nadawit pa nga ang pangalan ng rising artist na si Zach Tabudlo.

Hindi na nga napigilan, binasag na ng singer ang katahimikan nito at dinenay ang ‘cheating issue’.

“I have never cheated on Jason.”

Bottomline ng Instagram story ni Moira na naglalaman ng art card ng explanation nito sa mga nangyari.

Sa huli, though she is still navigating the unexpected season, the singer still feels full dahil sa comforting messages na natatanggap niya.

She also sent love sa mga nakakaranas din nang pinagdaraanan niya ngayon. Paula Jonabelle Ignacio