Moira, nililigawan ng dating asawa?

Moira, nililigawan ng dating asawa?

September 17, 2022 @ 11:49 AM 2 weeks ago


Manila, Philippines – May puwang ba ang pagpapatawad sa puso ni Moire de la Torre?

May pag-asa bang tanggapin niyang muli ang kanyang asawa, o mananatili na lang siyang on her own?

Batay kasi sa latest na awitin ng estranged husband ni Moira na si Jason Marvin Hernandez ag waring nanliligaw ito uli?

Narito ang ilan linya ng awitin ni Jason na Ako Na Lang:

“Tanggap ko nang ayaw mo na sa akin/

“Patawad at nasaktan ka/

“Tanggap ko nang ‘di mo kaya na manatili pa/

“Hanggang saan ko pa ilalaban ‘to?

“Hanggang kailan maniniwala na dapat tayo?

“Hindi ko ipipilit ang sarili ko sa ‘yo/

“Dito pala matatapos ang ikaw at ako/

“Maraming salamat sa lahat ng mga alaala mo/

“Sana ang aking kasunod ay maibigay lahat ng pagkukulang ko/

“Patawad, paalam sa ‘yo.”

Bago nito, ibinahagi ni Jason sa Facebook ang inspirasyon sa likod ng naturang awitin.

Aniya, “Ito ang mga salita, linya at nota na nagligtas sa akin noong mga gabing nakakalunod ang lungkot at nakakabingi ang pagsisisi. Ito ang mga tanong na umiikot sa isip ko noong mga madaling araw na nawawala ako.”

Matatandaang buwan ng Mayo nang kumpirmahin ni Jason ang paghihiwalay nila ni Moira.

Inamin niyang he cheated on her during their three-year marriage pero nangakong magbabago.

Samantala, manaka-nakang nagiging senti si Moira bilang isa sa mga hurado ng Idol Philippines.

Obyus na nakaka-relate siya sa mga awitin tungkol sa paghihiwalay ng dalawang taong nagmamahalan.

Ang tanong: maantig kaya ang damdamin ni Moira sa pahaging ni Jason…o dedma is the key? Ronnie Carrasco III