Mommy D, nag-aalala sa pera ni Pacman!

Mommy D, nag-aalala sa pera ni Pacman!

February 17, 2022 @ 12:22 PM 4 months ago


Manila, Philippines – Karakter talaga si Mommy Dionisia.

Si Mommy Dionisia ang butihing ina lang naman ni Senator Manny Pacquiao na isa sa mga presidential aspirants.

Truly supportive of her son, present si Mommy Dionisia sa rally ng partido ng anak.

Hindi nagpakabog si Mommy Dionisia who took centerstage para ibahagi ang kanyang saloobin sa naging desisyon ng anak.

Pag-amin ng ina ng Pambansang Kamao, noong una raw sabak ni Pacman sa pulitika partikular ang pagtakbo sa GenSan ay nakita niya kung paanong naubos ang “saku-sakong pera” nito.

Naubos daw ‘yon sa kabibigay sa mga tao.

Even friends close to the family echoed Mommy Dionisia’s sentiments.

At ngayon nga raw na sa buong bansa tumatakbo ang anak, naiimadyin daw ni Mommy Dionisia ang napakalaking halaga ng perang mauubos nito.

Baka raw katumbas ‘yon ng buong General Santos City, ang tuna capital ng bansa!

Aba’y tiyak na tiyak ‘yon! Ronnie Carrasco III