Mommy Divine namumurong mapa-Tulfo!

Mommy Divine namumurong mapa-Tulfo!

December 18, 2022 @ 12:14 PM 1 month ago


Manila, Philippines – Abangers na ang netizens sa posibleng pagpapa-Tulfo kay Mommy Divine, ina ng actress/singer na si Sarah Geronimo.

Sa latest vlog ni Ogie Diaz, ibinahagi nito sa kaniyang viewers na isang staff ni Mommy Divine ang nagsiwalat sa kanya ng paglabag nito sa karapatan ng kanyang mga empleyado.

Ilan na nga dito ang kawalan ng overtime pay, double pay, delayed na pa-sweldo, walang day off, at kawalan ng 13th month pay.

Dahil dito ay punong-puno na aniya ang staff ng ina ni Sarah G kaya naman nanganganib na itong maireklamo sa laganap programa ni Senator Raffy Tulfo, ang Wanted sa Radyo.

Sa kasalukuyan ay wala namang pahayag si Mommy Divine at maging si Sarah G. patungkol dito.

Hello Tulfo na nga ba si Mommy Divine? Let’s see. Paula Jonabelle Ignacio