Mommy Min, inuurot si Kathryn na magpatali na kay Daniel!

Mommy Min, inuurot si Kathryn na magpatali na kay Daniel!

October 26, 2022 @ 7:30 PM 1 month ago


Manila, Philippines – Pine-pressure na si Kathryn Bernardo ng ina nitong si Min na mag-asawa na.

Alam daw nitong ayaw pa nina Kath at Daniel Padilla pero siya, atat na atat na.

Nang tanungin ang dahilan, concern lang naman pala ang ina sa hirap na maaaring maranasan ni Kath para magbuntis.

Binanggit naman kay Min ang ilang artista na late nang nag-asawa kagaya nina Anne Curtis at Marian Rivera pero dahilan na naman nito, baka hindi na niya mabuhat ang apo dahil matanda na siya by that time.

Kung sakali naman aniya, tatlong apo ang gusto niya from KathNiel.

Hmmm. Ano kaya ang masasabi ng #KathNiel about this?

Eh, ang fans kaya? Paula Jonabelle Ignacio