Momoland buwag na

February 15, 2023 @ 1:58 PM 1 month ago


SEOUL, South Korea – Namaalam na ang sikat na K-pop girl group na Momoland makaraan ang anim na taong pagsasama-sama bilang isang grupo.

Ito ang kinumpirma ng mga natitirang miyembro ng Momoland na sina
Hyebin, Jane, Nayun, JooE, Ahin, at Nancy kung saan sinabi ng mga ito na maghihiwa-hiwalay na sila ng landas.

Inilagay ng mga ito sa kani-kanilang Instagram accounts nitong Martes ng gabi, Pebrero 14 ang liham na nakasulat sa Korean at English para ipaalam ito sa kanilang mga taga-suporta.

Ang disbandment ay kasunod ng desisyon ng mga miyembro na hindi na i-renew ang kontrata nila sa Korean music label na MLD Entertainment, kasunod ng contract expiration.

“We sincerely apologize to our Merries facing the news through an article. We are truly sorry for the late update,” Momoland’s members began. “After a long, deep discussion, the six of us members have decided to support each other to have a great new beginning going forward.”

Sa kabila ng magkakaibang landas, siniguro ng mga miyembro ng Momoland na sila ay mananatiling matibay at magkakaibigan.

“We sincerely thank our beloved Merries for providing us with precious memories and being by our side for the last seven years. Our Merries have been everything to us and always will be,” dagdag pa.

Humingi naman ng paumanhin ang Momoland sa mga fans, at nagpasalamat sa masigasig na paghihintay sa update at mga aktibidad nila.

“We are deeply sorry that we couldn’t let you guys know sooner, but sincerely thank each and everyone that [has] patiently waited for us. Moving forward, please continue to support and love MOMOLAND and each and every member’s path,” anang grupo.

Ang Momoland ay nabuo sa pamamagitan ng MLD Entertainment, dating Duble Kick Company, at sa Mnet survival show na “Finding Momoland” noong 2016.

Nagsimula ang grupo kasama ang pitong miyembro na sina Hyebin, Yeonwoo, Jane, Nayun, JooE, Ahin, at Nancy — Nobyembre nang kaparehong taon.

Ilang buwan pa ang nakalipas, sumali sa grupo ang “Finding Momoland” contestant na sina Daisy at dating Starship Entertainment trainee Taeha noong Marso 2017.

Nakilala ang grupo sa kanilang mga hit song na “Boom Boom” at “Baam.” RNT/JGC