Money laundering na may kaugnayan sa child pornography tumindi

Money laundering na may kaugnayan sa child pornography tumindi

September 16, 2020 @ 7:30 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines- Tumaas ang financial transactions na may kaugnayan sa online sexual exploitation ng mga bata sa bansa dahil sa coronavirus pandemic na nagtulak sa mga tao sa child pornography.

Ito ang lumabas sa pag-aaral ng Anti-Money Laundering Council na inilabas ngayong Miyerkules.

Natuklasan sa naturang pag-aaral na hindi sapat ang kasalukuyang financial safeguards at regulatory controls ng pamahalaan para labanan ang ganitong iligal na gawain.

Ayon sa ulat, tumaas ang kahina-hinalang transaksyon sa buwan ng Marso at Mayo 2020 na may 5,512 at 5,634, ayon sa pagkakasunod, bunsod ng pandemic.

Kumpara umano sa 110 at 597 kahina-hinalang transaction report na naitala sa kahalintulad na panahon noong nakaraang taon.

Sinabi pa ng ahensya na ang pagtaas sa transaksyon ng financial institutions sa mga buwan ng Enero at Pebrero 2020 ay  maaaring iugnay sa pandemic bunsod ng mga hakbangin ng AMLC, iba pang ahensiya at pribadong sektor sa pagpapalaganap ng kabatiran sa child pornography.

Binanggit pa sa report ang pagtaas ng volume ng small financial transactins na nagkakahalaga ng P1,000 hanggang P3,000 sa panahong ito, kung saan 45.2% ng kabuuang halaga ang may kaugnayan sa child pornography.

Pumangala sa mga malalaking transaksyon ang money transfers ng halagang P3,001- P5,000 na 23.2% ng mga kahina-hinalang transaksyon habang 21.4% para sa transaksyon mula P5,001-P10,000.

Nakatanggap din ang AMLC ng 20,448 suspicious transaction reports sa unang anim na buwan ng 2020 na may kaugnayan sa child pornography na halos doble sa 10,633 reports sa katulad na krimen sa buong taong  2019. RNT 


  •  
  •  
  •  

Loading...