Monkeypox bilang int’l health emergency, dedesisyunan ng WHO

Monkeypox bilang int’l health emergency, dedesisyunan ng WHO

June 15, 2022 @ 7:43 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Sinabi ng World Health Organization (WHO) nitong Martes na magsasagawa ito ng emergency meeting sa susunod na linggo upang matukoy kung iuuri bilang international health emergency ang monkeypox.

Dagdag pa ng WHO na plano nilang baguhin ang tawag na monkeypox.

“The outbreak of monkeypox is unusual and concerning,” ani WHO chief Tedros Adhanom Ghebreyesus sa mga mamamahayag.

“For that reason I have decided to convene the Emergency Committee under the international health regulations next week, to assess whether this outbreak represents a public health emergency of international concern”.

“WHO is also working with partners and experts from around the world on changing the name of monkeypox virus… and the disease it causes,” dagdag pa ni Tedros.

“We will make announcements about the new names as soon as possible.”

Ang desisyon na baguhin ang pangalan ng monkeypox ay matapos hilingin ng 30 siyentipiko at nagpahayag na kailangang baguhin ang pangalan para sa isang non-discriminatory at non-stigmatizing nomenclature para sa monkeypox.

“In the context of the current global outbreak, continued reference to, and nomenclature of this virus being African is not only inaccurate but is also discriminatory and stigmatizing,” saad sa kanilang liham.

Habang ang monkeypox ay unang natuklasan sa mga macaque, maraming mga kaso ang pinaniniwalaang naililipat sa mga tao sa pamamagitan ng mga daga.

Ang mga normal na unang sintomas ng monkeypox ay kinabibilangan ng mataas na lagnat, namamagang mga lymph node at isang paltos na parang bulutong-tubig.

Gayunpaman, sinabi ng US Centers for Disease Control and Prevention noong nakaraang linggo na ang mga kasalukuyang kaso ay hindi palaging nagpapakita ng mga sintomas na tulad ng trangkaso, at ang mga pantal ay minsan ay limitado sa ilang mga lugar.

Sinabi ni Tedros na 1,600 kumpirmadong kaso ng monkeypox at 1,500 pinaghihinalaang kaso ang naiulat sa WHO ngayong taon mula sa 39 na bansa, 32 dito ay tinamaan kamakailan ng virus.

Nasa 72 na ang nasawi sa mga bansa kung saan endemic na ang monkeypox. RNT