Monkeypox border restriction ‘di kailangan-eksperto

Monkeypox border restriction ‘di kailangan-eksperto

August 21, 2022 @ 3:50 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Hindi na kailangan ng Pilipinas na magtatag ng restriksyon sa byahe sa mga turista ukol sa monkeypox, ayon sa isang infectious disease expert ngayong Linggo.

Bagkus sinabi ni Dr. Rontgene Solante na mahalaga pa rin ang pag-imporma sa mga turistang dadayo sa Pilipinas na maaari silang mahawaan ng monkeypox.

Ang komento ni Solante ay matapos na makapagtala ang Department of Health ng dalawang dagdag kaso ng monkeypox sa Pilipians.

“Ang tingin ko rito, hindi natin kailangan ng paghihigpit. Ibig sabihin, hindi natin kailangan bawalan. Ang importante lang dito, ‘yung tamang impormasyon, lalo na sa mga manlalakbay na kapag sila ay darating, maaari din silang ma-infect,” aniya.

“Importante doon sa mga dumating, they need to report also kung meron silang sintomas, kung possible with monkeypox, they need to go to the doctor,” dagdag pa ni Solante.

Nanawagan din si Solante sa publiko na laging maghugas ng kamay, kung isasaalang-alang na ang health protocols laban sa COVID-19 ay maaari ding gamitin laban sa monkeypox. RNT