Monkeypox cases sumampa na sa 70K – WHO

Monkeypox cases sumampa na sa 70K – WHO

October 13, 2022 @ 5:20 PM 1 month ago


GENEVA — Umabot na sa 70,000 ang bilang ng kaso ng monkeypox sa buong mundo, ayon sa WHO nitong Miyerkules, at nagbabala na ang pagbaba sa bilang ng mga bagong kaso ay hindi nangangahulugan na dapat nang balewalain ito.

Inihayag ng World Health Organization na ang case numbers nitong nakaraang linggo ay tumaas sa Americas at binigyang-diin na ang pagbagal sa naittaalang mga bagong kaso ay posibleng “most dangerous” na panahon sa outbreak.

Sinabi ni WHO chief Tedros Adhanom Ghebreyesus na mahigit 70,000 kaso na ang naiulat sa UN health agency sa taong ito, kung saan 26 ang nasawi.

“Globally, cases are continuing to decline, but 21 countries in the past week reported an increase in cases, mostly in the Americas, which accounted for almost 90 percent of all cases reported last week,” aniya sa isang press conference sa Geneva.

“A declining outbreak can be the most dangerous outbreak, because it can tempt us to think that the crisis is over, and to let down our guard.”

“We are concerned about reports of cases in Sudan, including in refugee camps near the border with Ethiopia,” dagdag ni Tedros.

“Like Covid-19, monkeypox remains a public health emergency of international concern, and WHO will continue to treat it as such.” RNT/SA