MONKEYPOX NAKABUBULAG NA, NAKAMAMATAY PA

MONKEYPOX NAKABUBULAG NA, NAKAMAMATAY PA

August 3, 2022 @ 5:31 PM 2 weeks ago


HUWAG gawing biro ang pagkakaroon ng monkeypox.

Ayon sa The Lancet medical journal, maaaring mabulag ka o kaya’y mamatay sa monkeypox.

Ayon  pa sa nasabing pahayagan, na kinakatigan  ng World Health Organization, sa West African variant, 1 kada 100 biktima ang namamatay habang 10 kada 100 biktima ang namamatay naman sa Congo variant.

Sa pagkabulag, sino naman ang hindi mabubulag kung tamaan ka mismo sa mata?

Alalahaning katulad ng bulutong ang monkeypox  lumolobo ito kung tatama sa balat.

Para bang katulad ng paglobo ng balat kung nadidikit ito sa tambutso ng motorsiklo.

Kung tumama nga naman ito sa iyong mata, lumobo at pumutok, tiyak na mabubulag ka.

ANG HAWAAN

Ayon sa mga siyentista, higit na nanggagaling ang virus ng monkeypox sa daga kaysa sa unggoy.

Ngunit hanggang ngayon, walang nakaaalam nang tiyak kung paano nalilipat ang virus mula sa daga o unggoy sa tao.

Gayunman, klaro na madali ang hawaan sa pagitan ng mga lalaki na nakikipag-sex sa isa’t isa.

Ngunit hindi matiyak kung kasama ang mga semilya at pawis sa hawaan.

Ang tiyak umano, kung nagse-sex ang magkasintahan na lalaki, o kaya’y babae at lalaki, sa pagdikit ng kanilang mga mukha at katawan na may monkeypox, tiyak na may hawaan.

Pero mas higit na mabilis ang hawaan sa hanay ng mga lalaki na nakikipag-sex sa kapwa nila lalaki.

Pinag-aaralan pa hanggang ngayon kung daluyan din hawaan ang sperm o kaya’y pawis o laway.

Ngunit alalahanin na tinatamaan din maging ang mga buntis at bata.

WALA PANG SAKTONG BAKUNA O GAMOT

May bakuna na laban sa bulutong.

Ngunit habang nagtatagal at nawawala na ang bisa ng bakuna, nagkakabulutong pa rin ang tao.

Dahil naman sa pagkakaroon ng bisa ang bakuna laban sa bulutong, maaari umanong magiging epektibo rin ang bakuna rito laban sa monkeypox.

Pero wala pang katiyakan na may saktong bisa ang bakuna laban sa small pox kung ibabakuna naman ito sa may smallpox.

‘Yun bang === kailangan ang paghahanap ng bakuna na para lamang sa monkeypox.

Gayundin na wala pang saktong gamot din kung nagkasakit na ang tao rito.

STYLE LABAN SA COVID

Ayon sa mga eksperto, makatutulong nang malaki laban sa monkeypox ang ginagawa natin laban sa coronovirus disease-19.

Kabilang sa mabibisang paraan laban sa nasabing sakit ang pagsusuot ng face mask, social distancing at kalinisan sa katawan at kamay.

Nagmula umano ang monkeypox sa Africa.

Ngunit kumalat na ito sa mahigit 76 bansa.

At sa Europe matatagpuan ang pinakamaraming nagkakasakit sa monkeypox.

Ang Pilipinas meron na rin biktima.

Dahil delikado ang sakit na ito at sinasabi ng mga eksperto na pwedeng pigilin ang hawaan sa pagpapairal ng disiplina katulad sa pinaiiral natin laban sa COVID-19 at pagbabakuna laban sa small pox o bulutong, dapat tayong kumilos.

Alalahaning may namatay na kamakailan sa Brazil, gayundin sa Spain.