Monkeypox nakapasok na sa Egypt

Monkeypox nakapasok na sa Egypt

September 8, 2022 @ 11:22 AM 4 weeks ago


CAIRO – Nakapagtala na rin ang Egypt ng unang kaso ng monkeypox sa bansa.

Kinumpirma ng health ministry nito na ang pasyente ay isang lalaking Egyptian na may residency sa isang bansa sa Europa.

Ang 42-anyos ay naka-isolate na sa isang ospital at ang kanyang kondisyon ay stable, dagdag ng pahayag. RNT