Monkeypox nananatiling global health emergency – WHO

Monkeypox nananatiling global health emergency – WHO

November 2, 2022 @ 11:33 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Nagpapatuloy pa rin na global health emergency ang monkeypox outbreak ayon sa World Health Organization (WHO).

Ito ang pinakamataas na alert level ng WHO sa mga sakit sa mundo.

Matatandaan na noong Hulyo ay mabilisang kumalat ang monkeypox at nagdeklara ang WHO ng isang global health emergency.

Ang monkeypox ay mayroong mga sintomas katulad ng lagnat, sakit ng ulo, pananakit ng kalamnan, fatigue, rashes at painful lymph nodes.

Makalipas ang isa hanggang tatlong araw pagkatapos ng lagnat, ang rashes ay magiging isang masakit at fluid-filled skin lesions.

Bago pa man naibalita nitong Hulyo, matagal nang endemic ang monkeypox sa Central at Western Africa.

Kalaunan, mahigit sa 90 bansa na hindi endemic sa monkeypox ay nakapagtala na rin ng outbreak sa naturang sakit at sa pinakahuling tala ay umabot na sa 77,080 kaso nitong Oktubre 28. RNT/JGC