Monkeypox outbreak bumabagal na-WHO

Monkeypox outbreak bumabagal na-WHO

August 26, 2022 @ 11:13 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Nakitaan na ng World Health Organization ang pagbagal at pagkonti ng kaso ng monkeypox sa buong mundo.

Matatandaang Hulyo nang ideklara ng WHO ang global health emergency para sa pagdami ng kaso ng monkeypox.

Samantala nitong buwan nang bumama sa 21 porsyento ang naitalang mga bagong kaso, base pa rin sa datos ng United Nation Health Agency kung saan hanggang ngayon ay mahigit 41,000 kaso ng monkeypox at 12 pagkamatay ang naiulat mula sa 96 na bansa, na ang karamihan sa mga kaso ay mula sa Estados Unidos.

Ang pagbaba sa mga bilang ng kaso ay maaaring potensyal na hudyat na ang outbreak ay bumababa sa rehiyon ng Europa, ayon sa pinakabagong epidemiological news ng WHO.

Gayunpaman, halos dalawang dosenang bansa ang nakakita ng pagtaas sa lingguhang bilang ng kaso na may pinakamataas na pagtaas na iniulat sa Estados Unidos. Mahigit sa 34% ng kasalukuyang pandaigdigang bilang ng kaso ay nasa US.

Ang mga rehiyon ng America ay patuloy na nakakakita ng matinding transmission at ang rehiyon ay umabot sa 60% ng mga kaso noong nakaraang buwan. RNT