Monkeypox papalitan ng pangalan

Monkeypox papalitan ng pangalan

August 17, 2022 @ 10:24 AM 1 month ago


GENEVA- Pinag-aaralan ng World Health Organization ang pagpapalit sa pangalan ng monkeypox, at nanawagan ng tulong nitong Martes mula sa publiko para sa “less stigmatizing designation” para sa sakit.

Ilang linggo nang nagpapahayag ng pagkabahala ang UN health agency has for weeks ukol sa pangalan ng sakit na lumitaw sa mundo kamakailan.

Nagbabala ang mg eksperto na ang pangalan ng sakit ay stigmatizing sa mga unggoy kung saan nakuha ang pangalan nito, subalit maliit naman ang papel sa pagkalat ng sakit, maging sa African continent kung saan madalas na iugnay ang mga hayop.

Kamakailan ay naiulat sa Brazil ang pag-atake sa mga unggoy dahil sa takot sa sakit.

“Human monkeypox was given its name before current best practices in naming diseases,” ani WHO spokeswoman Fadela Chaib.

“We want really to find a name that is not stigmatizing,” dagdag niya.

Pinangalanan ang sakit na monkeypox dahil ang virus ay orihinal na natukoy sa mga unggoy na  ginamiy sa research saDenmark noong 1958, subalit ang sakit ay natukoy din sa ibang hayop, at kamakailan nga lamang ay sa mga daga.

Unang nadiskubre ang sakit sa mga tao noong 1970 sa Democratic Republic of Congo, kung saan mula noon ay laganap lamang ang sakit sa West at Central African countries kung saan ito endemic.

Subalit nitong Mayo, ang sakit na nagdudulot ng lagnat, pananakit ng katawan at malalaking boil-like skin lesions, ay nagsimulang kumalat sa buong mundo, partikular na sa mga lalaking nakikipagtalik sa kapwa lalaki. RNT/SA