Monopolyo ng Google, Meta, Apple internet ipagbabawal na sa EU

Monopolyo ng Google, Meta, Apple internet ipagbabawal na sa EU

March 25, 2022 @ 5:23 PM 3 months ago


MANILA, Philippines- Ipagbabawal na ang monopolyo ng Google, Apple at Meta sa Europa bilang “digital gatekeeper” at bibigyan ng lugar ang mas maliliit na kompanyang online sa mga susunod na araw.

Sa pamamagitan ng batas na Digital Markets Act o DMA, magkakaroon na rin ng pagkakataon ang mga kompanyang online na may taunang kita na 7.5 bilyong euro sa nakalipas na tatlong taon sa buong Europa, may halaga sa merkado na 75 bilyong euro, may sirkulasyon sa tatlong bansa sa Europa  at may 45 milyong indibiduwal na user at may 10,000 establisimyento sa Europa.

Nitong 2021, may kitang $366 bilyon ang Apple, $257.6 bilyon ang Google at $87B ang Meta.

Isusumite na umano EU Council at Parliament sa European Commission ang panukalang batas na DMA para sa pag-apruba ng buong European Union.

Sa nakaraang 10 taon, hanggang pagmumulta lamang umano ang nagagawa ng EU sa mga kompanyang online  na galing na nakaugat sa Silicon Valley sa United States.

Ipagbabawal ng DMA ang pag-uri ng mga higanteng kompanya na mas malaki sila kaysa sa iba; paggamit ng datos mula sa ibang kompanya.

Hihigpitan din ang mga kompanyang online sa pagkuha ng online advertisement at kailangang makakonekta ang lahat ng kompanya sa messaging services at social media platform.

Nilalaman din ng panukalang batas ang mataas na halaga ng parusa laban sa mga gatekeeper gaya ng 10 porsyentong multa mula sa taunang kita ng kompanya at 20% multa mula sa kita ng kompanya sa buong mundo.

Kung magkaroon naman ng tatlong ulit o higit pang paglabag sa batas sa loob ng walong taon, magsasagawa na ang European Commission ng imbestigasyon at magpataw ng mga kaukulang disiplina. RNT