Monsod: Anti-dynasty law ikasa sa halip na con-con

Monsod: Anti-dynasty law ikasa sa halip na con-con

January 26, 2023 @ 5:13 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- “Lame excuse” lamang ng Kamara ang pagsusulong ng amendments sa 1987 Constitution dahil sa political dynasties.

Ito ang inihayag ni Christian Monsod nitong Huwebes, sa pag-arangkada ng hearings sa panukala sa Kamara para amyendahan ang main charter ng bansa.

Sa halip na amyendahan ang 1987 Constitution, sinabi ni Monsod na sa halip ay dapat aprubahan ng mga mambabatas ang panukala laban sa political dynasties na aabot hanggang fourth degree of affinity at maaaring maipatupad sa darating na barangay election.

Bilang resource person sa hearing ng House committee on constitutional amendments nitong Huwebes, sinabi ni Monsod sa mga mambabatas na ang tunay na dahilan para sa pag-amyenda sa 1987 Constitution ay maaaring “self-interest”.

“Real change cannot happen until we strike at the roots and not at the branches of the problem. Congress has not passed an anti-dynasty law for 35 years, and blames the Constitution for the lapse. That is a lame excuse,” aniya.

“The real reason is self-interest, so instead of rushing to amend the Constitution, why don’t our legislators pass an anti-dynasty law, of say four degrees for the barangay elections this year?” giit ni Monsod.

Gayundin, sinabi ni Monsod, isa sa framers ng 1987 Constitution, na “ironic” na amyendahan ang nasabing fundamental law dahil ito ang unang Konstitusyon na malayang nilikha ng mga Pilipino.

“The 1987 Constitution, the seventh in our history, was the first time we spoke to the world as a truly independent and democratic nation — the Biak na Bato and Malolos Constitutions were short-lived interruptions of colonial rule, the others were written under colonial rule, 1935; or under enemy occupation, 1943; or by a dictatorship, 1973; or the transition proclamation while this Constitution was being written in 1986,” sabi ni Monsod.

“The inspiration of the 1987 Constitution was Edsa, which wasn’t only about the restoration of democracy through peaceful means — to the poor, it was also the promise of a new social order that remains unfulfilled to this day.  We are still the laggards in our part of the world,” dagdag niya.

Nagsagawa ng hearing ang House committee on constitutional amendments, sa pamumuno ni Cagayan de Oro 2nd District Rep. Rufus Rodriguez, sa ilang panukala at resolusyon na nagtutulak ng constitutional convention, at iba pang amendments gaya ng pagbabago sa term limits ng mga mambabatas at ng presidente at bise presidente. RNT/SA