Monthly subscription service na nagkakahalaga ng $11.99, tetestingin ng Meta

Monthly subscription service na nagkakahalaga ng $11.99, tetestingin ng Meta

February 20, 2023 @ 11:34 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Inanunsyo ng Meta Platforms nitong Linggo na sinusubukan nito ang monthly subscription service, na tinatawag na Meta Verified, kung saan maaaring i-verify ng users ang kanilang account gamit ang government ID at magkaroon ng blue badge, sa nakikitang tulong nito sa content creators na magpalago at bumuo ng communities.

Ilulunsad ang subscription bundle para sa Instagram at Facebook ngayong linggo, na mayroon ding dagdag-proteksyon laban sa impersonasyon at magkakahalaga ng $11.99 kada buwan sa web o $14.99 kada buwan sa Apple’s iOS system at Android.

Ikakasa ang Meta Verified sa Australia at New Zealand ngayong linggo, na susundan  ng ibang bansa.

Ito ay kasunod ng anunsyo ng Twitter noong nakaraang buwan na pepresyuhan ang Twitter Blue ng $11 kada buwan.

Naglunsad ang iba pang social media apps, kagaya ng Snapchat at messaging app Telegram ng paid subscription services noong nakaraang taon, bilang bagong pagkukunan ng kita. RNT/SA