Moonsighting activity, isasagawa ng Bangsamoro religious leaders ngayong araw

Moonsighting activity, isasagawa ng Bangsamoro religious leaders ngayong araw

May 1, 2022 @ 8:33 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Magsasagawa ng moonsighting activity ngayong araw ang Grand Mufti ng Bangsamoro Sheikh Abu Huraira Udasan at iba pang religious scholars upang matukoy kung kailan ipagdiriwang ang Eid’l Fitr.

Ayon sa Bangsamoro Government, magsisimula ang aktibidad mamayang alas-5:45 ng hapon na ipapalabas sa kanilang official Facebook page.

Matatandaang Abril 3 nang magsimula ang Ramadan na isa sa mga banal na pagdiriwang ng mga Pilipinong Muslim.

Dito ay nagsasagawa sila ng spiritual reflection sa pamamagitan ng pagdarasal, pag-aayuno at pag-iwas sa mga makasalanang gawain.

Magtatapos ang Ramadan sa pamamagitan ng Eid’l Fitr holiday, na ipinadiriwang ng mga Muslim sa buong mundo sa loob ng tatlong araw pagkatapos ng holy month ng Islam. RNT/ JCM