Morales, binulag o bulag-bulagan sa korapsyon sa PhilHealth – Sotto

Morales, binulag o bulag-bulagan sa korapsyon sa PhilHealth – Sotto

August 6, 2020 @ 3:48 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Malaki ang paniniwala ni Senate President Vicente Sotto III na binulag kundi man ay nagbubulag-bulagan si Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) President at CEO Ricardo Morales sa katiwalian, korapsyon at mismanagement sa loob ng state-insurer.

Sa online interview, sinabi ni Sotto na maaaring binulag si Morales ng mga opisyal at tauhan ng PhilHealth na matagal nang nakaupo sa ahensya o pwede rin naman na binibigyan niya ng proteksyon ang ilang opisyal nito.

“He is either blindsided, was blindsided or he is protecting them. There’s no in-between,” ayon kay Sotto.

“At the very least, I think he was blindsided. Now I hope the other side is not true, which is he knew that it all happened,” aniya.

“Now that depends on your reading of his answers. Others think he was blindsided. Others think, based on his answers, that he’s covering up for his colleagues. You can deduce it from there,” paliwanag ng mambabatas.

Katulad din ni Sotto, naniniwala si Senador Panfilo Lacson na “iniligaw” si Morales ng mga tauhan nito.

Sinabi pa ni Sotto na: “Right now, I’d still give him the benefit of the doubt. There’s also the possibility that they deceived him. And if what they told him was not accurate, not correct, then they were lying,”

Ayon kay Sotto, kasalukuyang naka-draft na ang committee report sa isyu at matatapos ito sa pagbubukas ng pagdinig sa susunod na Linggo.

“We’re still drafting some points. I’d rather not let the cat out of the bag. We’re drafting already some points that are very obvious during the hearing,” aniya.

Aniya, maghahain ng rekomendasyon ang Senado kundi man sa Office of the Ombudsman o sa Department of Justice upang kasuhan ang sinomang mapatutunayan nilang sangkot sa anomalya.

 “Certainly. That’s really certain,” ayon kay Sotto.

Tulad ni Lacson, sinabi ni Sotto na walang “prosecutorial powers” ang Senado kundi recommendatory lamang.

“We can recommend, but also we have the power to change the law so in aid of legislation itong hearing namin,” ayon kay Sotto saka sinabi na tinitignan nila ang panukalang amyendahan ang karta ng PhilHealth upang maiwasan ang anomalya sa hinaharap. Ernie Reyes


  •  
  •  
  •  

Loading...