Moratorium sa student loan payments tuwing may kalamidad, aprub sa Senado

Moratorium sa student loan payments tuwing may kalamidad, aprub sa Senado

October 25, 2022 @ 3:05 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Inaprubahan ng Senate panel ang isang panukalang batas na naglalayong isuspendi ang pagbabayad ng student loan sa higher education at technical-vocational education and training sa panahon ng kalamidad at iba pang uri ng kagipitan, nitong Martes.

Sa ginanap na pagdinig ng Senate Higher, Technical and Vocational Education committee na duminig sa panukala, sinuportahan ni Unified Student Financial Assistance System for Tertiary Education (UNIFAST) executive director Ryan Estevez ang pagsasabatas ng Senate Bill 975, na magpapalakas sa student loan programs.

Suportado din ang panukala ni Coordinating Council of Private Educational Associations (COCOPEA) managing director Joseph Estrada na alinsunod sa probisyon ng nakatakda sa ilalim ng Bayanihan To Heal As One Act— isang batas na ipinatupad sa kasagsagan ng pandemya ng Covid 19 sa ilang sektor.

Pero, sinabi ni Estrada na kung sasakupin din nito ang promissory note dahil makakaapekto ito sa operasyon ng eskuwelahan.

“If this will cover promissory notes—because they are also in the nature of loans—then for a private higher education institution, this will paralyze operations, especially during times of pandemics or calamities where they also need to support salaries and compensation of their employees and the operations of the schools,” ayon kay Estrada.

Nakatakdang magsagawa naman ng hiwalay na pag-aaral ang UNIFAST alinsunod sa intensiyon ng student loan program na bayarin ito sa pamamagitan ng installment basis sa pamamagitan ng bangko.

Ayon kay Senador Chiz Escudero, nanguna sa pagdinig bilang chairman ng lupon, na hindi kasama sa panukala ang promissory note at limitado lamang ito sa student loan programs.

Inaprubahan din ng naturang Senate panel ang panukalang Free College Entrance Examination Act, ilang panukalang lilikha n g Technical Education and Skills Development Authority centers sa piling lugar sa Pilipinas at 10 panukala na nagpapalawak sa kampus ng ilang state universities and colleges. Ernie Reyes