More chicken, less beef sa PH imports

More chicken, less beef sa PH imports

February 20, 2023 @ 3:36 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Bumaba na ang inaangkat na pork at beef products ng bansa kasabay ng pagtaas naman ng importation sa mga manok, batay sa datos ng Bureau of Animal Industry (BAI).

Sa impormasyon, nasa 76.52 milyong kilo noong nakaraang taon ang meat imports, mas mababa ng 10.83% mula sa 85.81 milyon kilo Enero noong nakaraang taon.

Katulad nito, bumaba rin ng 26.55% mula sa 104.19 milyon kilo ang imported meat na dumating sa bansa noong Disyembre.

Naungusan ng manok ang karneng baboy bilang pangunahing produkto sa meat imports na may volume na 30.33 milyon kilo, o 39.64% ng kabuuang importasyon.

Karamihan sa mga ito ay ang mechanically deboned chicken ay mechanically separated chicken, na sinundan ng chicken leg quarter.

Sa kabila nito, mas mababa pa rin ito ng 22.27% kumpara sa 39.02 milyon kilo na inangkat sa nagdaang taon.

Sinundan naman ng pork imports ang dami ng mga inaangkat, sa 30.27 milyon kilo, ngunit mas mababa ng 34.47% mula sa 46.2 milyon kilo bago nito.

Samantala, nakabili naman ng 12.51 milyon kilo ng beef ang bansa abroad, partikular na ang beef cuts. Ang buffalo naman ay nasa 3.33 milyon kilo ang inangkat sa ibang bansa.

May maliit na porsyento naman ng imported duck, lamb at turkey ang naitala ng BAI sa datos nito sa kaparehong panahon.

Nangunguna ang Brazil sa pinagkukuhanan ng mga karne na nasa 24.65 milyon kilo, karamihan ay mga manok, sinundan ng Estados Unidos at Spain.

Ayon sa US Department of Agriculture (USDA), inaasahan na patuloy pa ring aangkat ang Pilipinas ng mas maraming karneng baboy kasunod ng pagpapalawig ng administrasyong marcos ng mas mababang import tariffs hanggang sa pagtatapos ng 2023.

Inaasahan na aabot sa 600,000 metriko tonelada ang pork imports ngayong taon o mas mataas ng 4.3%. RNT/JGC