Manila, Philippines – Pinahanga ni Asia’s phoenix Morissette Amon sa kaniyang viral video ang mga netizen matapos ang ginawa niyang pagbawi matapos niyang hindi maabot ang sikat niyang ‘whistle’ sa kaniyang kauna-unahang homecoming concert noong Sabado.
Sa concert na pinamagatang “Morissette is Made” na ginanap sa Pacific Grand Ballroom ng Waterfront Hotel Cebu City and Casino, pinahanga ng singer hindi lamang ang mga manunuod kundi pati na ang mga netizen na nakapanuod ng viral video na kumakalat sa social media.
Sa video, makikita si Morissette na kumakanta ng “Pangarap Ko ang Ibigin Ka” ngunit nabigo siyang abutin ang ‘whistle’, agad naman niya itong sinigundahan ng ‘iconic birit’ at pinagmalaki pang live ang kaniyang pagkanta.
Pinatunayan lamang ni Morissette na kahit hindi perpekto ang kaniyang performance, kayang kaya pa rin niyang bumawi at ibigay ang kaniyang ‘best’ para sa kaniyang tagahanga.
Napahanga naman sa singer ang mga netizens sa ginawang pagbawi nito sa sablay na pag-abot ng ‘whistle’. Umabot na sa halos 140K ang views ng kaniyang video habang ang shares naman nito ay pumalo na sa halos 2.5K.
Sabi ni user PX Ilano sa comment, “Wow! Napaka humble ng pagdeliver niya ng “Live” kung iba nagsabi siguro nun ang yabang tignan. I applaude her for maintaining her simplicity. Hindi mayabang dating niya kase sincere and humorous ang pagka deliver niya. Not hititng the notes the first time doesn’t make you less of a singer, it just goes to show that imperfection makes you perfect. I am not her fan before this video, but now I am. God bless”
Si Morisette ay isa sa mga kilalang performer na Cebuano, kabilang sa mga ito ay sina Kim Chiu, Yeng Constantino, Sarah Geronimo at Coco Martin. (Remate News Team)
Video (c) Luluboy Crbbcn