Morning sex: Epektibong pampagana sa buong araw

Morning sex: Epektibong pampagana sa buong araw

October 9, 2018 @ 9:11 AM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Kung iisipin, mahirap nga namang makipagtalik pagkagising pa lang sa umaga, gayunpaman, ayon sa mga eksperto, ang maagang pakikipagtalik ay nakapagpapaganda ng immune system, nakapagpababa ng blood pressure, mainam na bladder control at nakapagpapababa pa ng tiyansa ng heart attack.

Bukod pa rito, nakapagpapaganda rin ito ng mood, nakakapag-relax at gagawin ka pang produktibo!

Ayon sa pag-aaral, 53% ng mga lalaki at 45% naman sa mga babae ang nakapagsabi na ang pakikipagtalik sa umaga ay mayroong positibong epekto sa kanilang productivity.

At kahit na ang pakikipagtalik pagkasing sa umaga ay wala sa listahan ng mga nakatakda at kailangan mong gawin sa umaga, alam niyo bang maganda ito para sa isang relasyon?

Ayon sa mga pag-aaral, para magkaroon ng masayang relasyon, kailangan magkaroon ng β€œrough sex” kada isang linggo. At siyempre habang mas tumatagal at nagle-level up ang inyong relasyon, mas malaking bilang mas maganda. Halos lahat ng mga eksperto ay papayuhan ka pang sumubok ng mga bagong posisyon, lugar at pinakagandang oras upang mas painitin ang iyong sex life./Remate News Team