MORO-MORONG RAID SA PASUGALAN SA CAVITE

MORO-MORONG RAID SA PASUGALAN SA CAVITE

July 22, 2022 @ 1:59 PM 2 weeks ago


SINALAKAY ng pinagsanib na puwersa ng Criminal Investigation and Detection Group – Cavite at Tanza Police Station ang iligal na pasugalan sa Tanza, Cavite nina Jun Guinto at alias Sgt. Francisco.

Umabot sa 20 na mga manunugal ang naaresto  at bumagsak sa kalaboso matapos ang joint operation sa  pasugalan sa Barangay Daang Amaya 1 na ilang metro ang layo sa Yamaha Motors at Seaoil Philippines Gasoline Station.

Ayon sa impormante ng Juan De Sabog, habang aligaga ang mga pulis ng CIDG at Tanza  sa paghuli sa mga manunugal at mismong operator na sina Guinto at alias Sgt. Francisc, ay kampante lang ang dalawang kolokoy.

Hindi natinag ang dalawa bagaman hinuli dahil katwiran nila ay may “lingguhang parating” sila sa CIDG at Tanza Police. Malamang nga raw ay may reklamo lang at pakitang-tao lang ang ginawang pag-raid sa kanilang pasugalan na dalawang bloke lang ang layo sa presinto.

Ganun?

Aba’y hinahamon ng dalawang ito ang pasensiya ni Cavite Provincial Police Office director PCol. Arnold Abad at CIDG-Cavite.

Col. Abad, makita sana ng mga operator na yan na marunong ka rin magalit.

PASUGALAN SA REGION-4-A GRABE

Sa Region-4A ang tumatayong tong collector  ay si  Barangay Chairman Mike ng Poblacion 2, Tanauan, Batangas habang isang retired police  Uruga at SOU alyas Jojo naman ang siyang mga nangongotong sa nasabing lalawigan.

Kaya hindi mapatigil ang mga iligal na pasugalan ay dahil sa kinukunsinti ito ng ilan sa mga kagawad ng pulisya sa.

Sa halip na paghuhulihin, aminin man o hindi, ay kinokotongan ng mga walanghiya na noong panahon naman ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ay ipinagtataas ang sahod upang hindi na gumawa ng katarantaduhan.

Anomang puna o reklamo i-text sa 09189274764,09266719269 o i-email sa [email protected] o [email protected]