Moro sa Maynila, aarangkada sa plebisito

Moro sa Maynila, aarangkada sa plebisito

July 26, 2018 @ 1:19 PM 5 years ago


 

Manila, Philippines – Aarangkada na ang mga Moro na nakatira sa labas ng Autonomous Region in Muslim Mindanao sa Maynila para sa kampanya ng plebisito.

Ayon sa pinuno ng 1Bangsamoro Consultative Council (1BANGSA) na si Alan Balangi-Amer ang hakbang ay matapos maratipikahan ng Mababang Kapulungan ang ‘Bangsamoro Organic Law’.

Maghahanda rin aniya sila ng “keyboard warriors” na tutulong sa ‘information drive’ upang aniya ay palaganapin ang tamang pananaw ukol sa mga teritoryong ipinaglalaban ng Bangsamoro at maipagwagi ang botong “yes” sa plebisitong gaganapin sa nalalabing tatlong buwan.

“Babawiin namin ang mga lugar na tinanggal nila sa orihinal na BBL… mahirap gawin dahil ‘mother unit’ ang kasali sa plebisito, pero InshaAllah kakayanin ito”, ayon pa kay Balangi.

Dagdag pa ni Balangi na titipunin nila ang isanlibong ‘online volunteers’ upang sumabak sa kampanya gamit ang social media.

Nakikipag-ugnayan na rin aniya sila sa isang Foundation na accredited sa TESDA para maglunsad ng ‘competency’ training sa larangan ng social media.

Ang mga lugar na pagbobotohan ng “yes” or “no” ay ang 6 na munisipalidad ng Lanao del Norte sa Baloi, Munai, Nunungan, Pantar, Tagoloan at Tangcal.

Kasama ring pagbobotohan ang barangay sa North Cotabato, gaya ng Dunguan, Lower Mingading at Tapodoc sa munisipalidad ng Aleosan; Manarapan at Nasapian sa munisipalidad ng Carmen; at, Nanga-an, Simbuhay, at Sanggadong sa munisipalidad ng Kabacan.

Pagbobotohan din ang Barangay Damatulan, Kadigasan, Kadingilan, Kapinpilan, Kudarangan, Central Labas, Malingao, Mudseng, Nabalawag, Olandang, Sambulawan, at Tugal sa munisipalidad ng Midsayap; Barangay Lower Baguer, Balacayon, Buricain, Datu Binasing, Kadingilan, Matilac, Patot, at Lower Pangangkalan sa Pigkawayan.

Pagbobotohan naman sa munisipalidad ng Pikit ang mga barangay sa Barangay sa Bagoinged, Balatican, S. Balong, S. Balongis, Batulawan, Buliok, Gokotan, Kabasalan, Lagunde, Macabual, at Macasendeg. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)