Most Innovative LGU in Nutri program, nakuha ng Malabon

Most Innovative LGU in Nutri program, nakuha ng Malabon

December 9, 2021 @ 8:41 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Muling ginawaran ang Pamahalaang Lungsod ng Malabon ng Most Innovative Local Government Unit in Nutrition Program sa ginanap na Gawad Parangal sa Nutrisyon ng National Nutrition Council.

Itinanghal naman bilang 2019 Local Nutrition Action Officer of the Year sa buong National Capital Region si Chef Melissa Sison-Oreta.

Bukod dito, kinilala rin sina City Nutrition Officer Fidel Baltazar P. Dela Cruz bilang 2019 Local Nutrition Program Coordinator of the Year, Finalist at si Nancy T. Mendoza bilang 2019 Regional Outstanding Barangay Nutrition Scholar, Finalist.

Nakamit ng Malabon ang mga parangal na ito dahil sa pagpapatupad ng mga epektibong programang pangkalusugan gaya ng Karinderia Para sa Kalusugan ni Chikiting (KKC) na nagpababa ng malnutrition rate sa Lungsod.

Ayon kay Mayor Lenlen Oreta, patuloy na maglulunsad ang pamahalaan ng mga programa at proyekto para mapangalagaan ang kalusugan ng bawat pamilyang Malabonian. Merly Iral