Most wanted arestado; 5 sugarol tiklo; troso narekober

Most wanted arestado; 5 sugarol tiklo; troso narekober

May 31, 2021 @ 2:40 PM 2 years ago


NUEVA ECIJA – Arestado ang Top-7 Municipal level most wanted person at (5) mga umanoy sugarol, habang nasamsam ang mga inabandunang troso nitong Sabado, Mayo 29.

Ayon kay provincial director, PCol. Jaime O. Santos, ng Nueva Ecija Provincial Police Office (NEPPO), na ang Cuyapo MPS sa pangunguna ni P/Lt. Col. Erwin V. Ferry ay nagsagawa ng Manhunt Charlie Operation sa Filinvest, Mimosa, Clark Mabalacat City, Pampanga na nagresulta sa pag-aresto sa suspek na si Philip Garcia, 59, Top-7 Municipal Level Most Wanted Person, may asawa, manggagawa at residente ng Brgy. San Juan, Cuyapo, Nueva Ecija, sa bisa ng Warrant of Arrest para sa paglabag sa R.A. 10591 na may inirekumendang piyansa sa halagang Php 210,000.00.

Samantala, inaresto ng Gabaldon MPS ang umanoy (5) iligal na sugarol na sangkot sa iligal na sabong sa Brgy.Bugnan, Gabaldon, Nueva Ecija.

Narekober mula sa mga pinaghihinalaan ang pusta na pera na nagkakahalaga ng Php5,460.00 ; (5) manok na panabong ; (10) motorsiklo; (1) trike kasama ang carrier at cock fighting paraphernalia.

Bukod dito, ang operating team ng Gen. Tinio Police Station at CENRO, Cabanatuan City ay nagsagawa ng anti-illegal logging operation sa Sitio Kalasag, Brgy. Pias, Gen Tinio, Nueva Ecija na nagresulta sa pagtuklas ng mga iligal na kahoy ng karaniwang hardwood lumber sa tabi ng tabing ilog ng nasabing lugar.

Nasa humigit kumulang sa 120 board feet at tinatayang nasa Php4,800.00 umano ang nasamsam sa nasabing operasyon.

Sinabi ng PCol. Santos na ang NEPPO ay magpapatuloy na labanan ang kriminalidad at iba pang uri ng iligal na aktibidad tulad ng iligal na pagsusugal at illegal logging, sa direktiba ni Regional Director, PRO3, PBGen. Valeriano T. De Leon bilang bahagi ni C/PNP, PGen. Guillermo T. Eleazar, ang pag-intensified ng cleanliness program sa pamayanan.-ELSA R. NAVALLO