MOST WANTED, BUMAGSAK SA KAMAY NI PMAJ CASTRO

MOST WANTED, BUMAGSAK SA KAMAY NI PMAJ CASTRO

February 16, 2023 @ 8:37 AM 1 month ago


MAHIGPIT man ang ginawang pagtatago sa loob ng dalawang taon nitong most wanted person ng Region 4A, hindi pa rin siya nakaligtas sa matalim na mga mata at matalas na pang-amoy ng grupo nitong si PMaj. Jobeth Castro ng Sta. Teresita Police Station ng Batangas.

Kaya naman hindi maikakaila na mabango ang pangalan nitong si Castro sa tanggapan nitong si PMGen. Jose Melencio Nartatez, director ng Police Regional Office 4A.

Para kay Nartatez, kailangang manghuli nang manghuli ang kanyang mga pulis ng mga wanted person lalo na ‘yung matagal nang nagtatago upang hindi ang mga ito masabihang natutulog sa kangkungan.

Bukod pa ito sa nais ni “Tateng”, bansag kay Nartatez, na maipasok sa isipan ng mga tao na huwag gumawa ng krimen dahil kahit anomang higpit nang pagtatago nila mula sa pamahalaan ay mahuhuli at mahuhuli pa rin sila ng mga alagad ng batas.

“Magsilbing pagpigil sa mga nais na gumawa ng krimen ang puspusang panghuhuli ng mga pulis sa wanted criminals at upang maging hadlang na ito sa tangka nilang paggawa ng anomang labag sa batas,” ayon sa police regional director ng 4A.

Nabatid na ang hinuli ng grupo ni Santos ay halos mahigt dalawang taong nagtago sa Batangas subalit inabot ng mahigit 21 taon ang pagtatagong ginawa nito sa North Cotabato.

May kasong murder ang akusadong himas rehas ngayon sa Sta. Teresita Municipal Police Station at nakatakdang ibalik sa orihinal na korteng nagpalabas ng warrant of arrest.

Bukod kay Nartatez, proud din itong si Batangas Police Provincial director PCol. Pedro Soliba dahil nga most wanted ang nalambat nina Castro.

Batid nitong si Soliba na hindi basta-bastang kaso o mga akusado ang pinaghahanap ng grupo ni Castro dahil marami-rami na nga namang most wanted person ang nasa likod ng rehas na bakal dahil sa husay manghuli nitong opisyal at kanyang mga tauhan.

Kudos kay PMaj. Castro at mga tauhan nito na hindi nagpapahinga kung trabaho lang ang usapan.