Most wanted ‘manyakol’ arestado sa Bulacan

Most wanted ‘manyakol’ arestado sa Bulacan

March 17, 2023 @ 5:29 PM 2 weeks ago


Bulacan – Arestado ang binatang 38 anyos na Most Wanted Person na nahaharap sa piyansang P5,400,000 matapos silbihan ng Warrant of Arrest sa bayan ng San Ildefonso.

Kinilala ang akusadong si Prince Rommel Tome Manio, walang trabaho at residente ng Brgy. Anyatam.

Sa report ni San Ildefonso chief of police PLt. Col. Russel Dennis Reburiano, naaresto ang akusado nitong hapon ng Marso 16 sa Brgy. Matimbubong.

Ang warrant of arrest sa kasong paglabag sa Lasciviousness Conduct Under Sec. 5 (B) ng RA 7610 (26 counts) under Criminal Cases no. 1371 M-2023 to 1396-M-2023 na may inirekomendang P200,000 sa bawat kaso na fixed bail ay inisyu ni Hon. Maribel F. Mariano-Beltran, Assisting Judge ng Regional Trial Court, Third Judicial Region, Branch 79 Malolos Bulacan nitong Marso 10, 2023.

Sinasabing may isa pang kasong paglabag Sec. 10 (A), ng RA 7610 in Rel. to Sec. 6 ng RA 10175 sa nabanggit na korte ang kinahaharap ng akusado na may P200,000 inirekomendang piyansa.

Nasa kostudiya na ng naturang himpilan ng pulisya ang akusado. Dick Mirasol III