Most wanted na carnapper sa Pasig, timbog sa Kanlaoo

Most wanted na carnapper sa Pasig, timbog sa Kanlaoo

December 1, 2022 @ 7:29 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Dinakip sa Caloocan ang Top 10 Most Wanted Person ng Pasig dahil sa pagnanakaw at sinasabi ring kasapi ng isang crime syndicate.

Arestado si Romeo Catalan y Jerusalem alyas Estong, 36, ng Barangay Maybunga, Pasig City, kasapi umano ng Limos Carnapping Group.

Nakatanggap ng impormasyon ang mga pulis na namataan si Catalan sa Phase 5, Package 3, Barangay 176, Bagong Silang, at 10:00 a.m. ng Nobyembre 29 ay sinalakay ang itinurong lugar kung saan nahuli ang suspek.

Dinampot si Catalan sa bisa ng warrant na inisyu ni Hon. Maria Cheryl Laqui Ceguera, Presiding Judge, Regional Trial Court Branch 268 ng Pasig City para sa kasong robbery. Merly Iral