Most Wanted ng Ilocos Norte, sa Caloocan nasakote

Most Wanted ng Ilocos Norte, sa Caloocan nasakote

July 13, 2022 @ 12:15 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Natiklo sa Caloocan City ang most wanted person ng Ilocos Norte na mayroong P300,000 nakapatong sa ulo dahil sa paulit-ulit na panggagahasa.

Dinamba noong Lunes, Hulyo 11 sa Purok 5, Sitio 4, Vanguard, Area D, Brgy. 178, Camarin, Caloocan City ang suspek na si Rodrigo Rafael Jr., alyas Jay-Ar Rafael, tubong Brgy. Barbaqueso, Carasi Ilocos Norte.

Inaresto si Rafael ng mga elemento ng Carasi Municipal Police, Banna Municipal Police, Regional Intelligence Division, PRO1 at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)-Ilocos Norte.

Dinakip ang suspek sa bisa ng warrant na walang inirekomendang pyansa para sa 19 counts ng rape na inisyu ni Hon. Judge Conrado Ragucos ng Regional Trial Court, Branch 16, Laoag City. Merly Iral