P62M marijuana sa Benguet, Kalinga sinira

June 27, 2022 @4:00 PM
Views:
8
TINGLAYAN, KALINGA- Umaabot sa mahigit P62 milyong halaga ng marijuana ang sinira ng mga awtoridad sa kanilang ginawang operasyon sa lalawigan ng Kalinga at Benguet.
Sa panayam ng REMATE kay Regional Director Gil Cesar Castro ng PDEA CAR, nadiskubre ng operatiba ang labing-anim na plantasyon ng marijuana sa Brgy. Buscalan, Brgy. Butbut Proper, at Brgy. Loccong sa Tinglayan, Kalinga.
Sinira ang mahigit 310,000 piraso ng fully grown marijuana plants na nagkakahalaga ng P62 milyon.
Habang pinagsisira rin sa Kibungan, Benguet ang tanim na marijuana at pinatuyong dahon ng marijuana na may halagang P376,000.
Samantala, hanggang sa ngayon ay inaalam ng awtoridad kung sino ang nasa likod o nagmamay-ari sa malawak na taniman ng marijuana sa mga nabanggit na lugar. Rey Velasco
Isko dumalo sa huling flag raising ceremony bilang alkalde ng Maynila

June 27, 2022 @2:45 PM
Views:
33
MANILA, Philippines- “Don’t let anyone change your character because they wanted to, because they are better than you.”
Ito ang isa sa mga ibinilin ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso sa lahat ng mga kawani, opisyal at mga dumalo sa huli nitong pagdalo, bilang punong ehekutibo ng lokal na pamahalaang Lungsod ng Maynila, sa ginanap na flag rasing ceremony sa Kartilya ng Katipunan ngayong araw.
“Be humble, but be firm on what you believe. Respectful but firm, respect them but always protect your character. You don’t have to change it para mag-fit sa gusto ng iilang tao na bilib na bilib sa kanilang sarili. Believe in yourself,” giit ni Yorme.
“Always give value to yourself, iba iba lang tayo ng status pero lahat tayo ay may halaga. Always protect your character, no matter what is the cause,” dagdag pa ni Yorme.
Umapela din si Domagoso sa Manilenyo na suportahan din nila ang papalit sa kanya bilang Alkalde ng lungsod na si incoming Mayor Dra. Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan.
“Pumanatag kayo, kayang kaya niyang gawin at gampanan ang kanyang tungkulin. I believe in her, people in Manila believes in her, and we must help and support our incoming Mayor,” ani Domagoso.
Tiniyak naman ni Domagoso na kahit hindi na siya ang Alkalde ng lungsod ay maaari pa din siyang “available” sakaling kakailanganin ang kanyang tulong.
“Umasa naman kayo na nandiyan lang ako sa gedli, bandang wakali, bandang nanka, minsan sa kodli. I make myself available if needed,” ayon kay Domagoso.
Sa ngayon aniya ay naniniwala naman si Domagoso na kayang-kayang patakbuhin at ipagpatuloy ang mga nasimulan sa Maynila nina Mayor Lacuna, Vice Mayor Yul Servo, mga konsehal at Congressman sa nasabing lungsod.
Matatandaan na una nang binanggit ni 2nd District Congressman Rolan Valeriano na magpapahinga lang ng konting panahon si Mayor Isko Moreno bago mag-isip na muli ng maitutulong sa administrasyon para magtuloy-tuloy pa ang kaayusan sa Maynila.
Ibinatay ni Valeriano ang kanyang paniniwala sa katotohanan na si Yorme pa rin ang lider ng Asenso Manilenyo kaya’t hindi siya puwedeng mawala kapag nagpulong-pulong ang mga opisyal at miyembro nito para sa mga hakbanging makakatulong sa pag-unlad ng kabuhayan ng mga Manilenyo.
Samantala, matapos ang flag raising ceremony ay pinangunahan nina Domagoso at Lacuna ang “unveiling ceremony” sa karagdagang bagong “art piece” sa Lagusnilad at matapos nito ay dumiretso sila sa Museo Pambata upang silipin ang Bahay Kubo version 2.0 nito. JAY Reyes
2 basurero isinelda sa pagnanakaw ng bakal na takip ng kanal sa Malabon

June 27, 2022 @2:24 PM
Views:
33
MANILA, Philippines- Bagsak sa kulungan ang dalawang basurero matapos maaktuhang tinatangay ang bakal na takip ng kanal sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.
Nahaharap sa kasong Theft ang naarestong mga suspek na kinilala bilang sina Troy Maglinas, 21 at Jamuel Mateo, 18, kapwa ng Dumpsite Sitio 6, Brgy., Catmon.
Sa imbestigasyon ni PSSg Mardelio Osting at PSSg Diego Ngippol, dakong alas-9:30 ng gabi, nagpapatrulya ang mga tanod ng Brgy. Catmon sa kahabaan ng Hernandez St., Brgy. Catmon.
Dito, nahuli nila sa akto ang mga suspek na tinatangay ang bakal na takip ng kanal na pag-aari ng naturang barangay.
Agad nagpakilala sa kanila ang mga tanod saka inaresto ang mga suspek at narekober sa dalawa ang tinangay na bakal nan takip ng kanal. Boysan Buenaventura
Ilang kalsada sarado na para sa inagurasyon ni PBBM

June 27, 2022 @2:15 PM
Views:
32
MANILA, Philippines- Sinimulan nang ipatupad ng mga awtoridad ang road closure nitong Linggo ng gabi bilang bahagi ng paghihigpit sa seguridad para sa inagurasyon ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Hunyo 30.
Simula alas-11 ng gabi ng Linggo ay isinara na ang mga kalsada sa mga motorista malapit sa National Museum.
Kabilang rito ang Padre Burgos Avenue, Finance Road, Maria Orosa St. mula TM Kalaw hanggang Padre Burgos General Luna St. mula Padre Burgos-Muralla St. kung saan sarado hanggang alas-11 ng gabi sa Hunyo 30.
Sarado rin sa Huwebes mula alas-4 ng madaling araw hanggang alas-11 ng gabi ang Ayala Boulevard, Victoria Street mula Taft Avenue patungong Muralla Street.
Ang mga apektadong motorista ay maaring gumamit ng alternatibong ruta ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA):
-
Mula Roxas Boulevard northbound, kumanan sa UN Avenue o TM Kalaw Avenue, kaliwa sa Taft Avenue
-
Mula naman sa Roxas Boulevard eastbound ay kailangang kumaliwa sa TM Kalaw o UN Avenue kanan sa Taft Avenue
Samantala, ang mga sumusunod na kalsada malapit sa Malacañang at Philippine International Convention Center sa Pasay City ay isasara rin sa mga motorista sa mga sumusunod na petsa:
-
Mendiola Street: Hunyo 29, alas-12:01 ng madaling araw hanggang Hunyo 30, alas-11 ng gabi
-
Jalandoni St., PICC, Pasay City: Hunyo 30, alas-4 ng madaling araw hanggang alas-11 ng gabi
-
Legarda Street mula San Rafael patungong Figueras St., Manila: Hunyo 30, ala-1 hanggang alas-11 ng gabi.
Ayon sa MMDA, magde-deploy ng 2,000 personnel na magmamando ng trapiko sa June 30.
Bukod sa MMDA traffic enforcers, ipapakalat din sa araw na iyon ang mga tauhan mula sa Manila Police District, National Capital Region Police Office (NCRPO), City Government of Manila, at Presidential Security Group para matiyak ang seguridad, kapayapaan, at kaayusan.
Samantala, ang Pambansang Museo ay sarado sa publiko hanggang Hulyo 5.
Ang mga drone ay ipagbabawal na lumipad sa loob ng isang kilometrong radius ng National Museum, ayon sa NCRPO. Jocelyn Tabangcura-Domenden
Bagong alkalde ng Silang nanumpa na sa pwesto

June 27, 2022 @12:45 PM
Views:
17