Most wanted person, nalambat sa Malabon

Most wanted person, nalambat sa Malabon

February 3, 2023 @ 12:30 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Shoot sa loob ng selda ang isang mister na listed bilang most wanted matapos maaresto ng pulisya sa isinagawang manhunt operation sa Malabon City.

Kinilala ni Malabon police chief P/Col. Amante Daro ang naarestong akusado bilang si Leandro Gutierrez alyas “Ding” ng 455 San Jose Street, Maypajo Caloocan City.

Ayon kay Col. Daro, nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Malabon police na naispatan ang presensya ng akusado sa Brgy. Catmon.

Alinsunod sa kampanya ng PNP kontra wanted persons, agad nagsagawa ang mga operatiba ng WSS sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Major Afredo Agbuya Jr ng pagsisilbi ng warrant of arrest na nagresulta sa pagkakaaresto kay Gutierrez sa Sanciangco St., Brgy. Catmon dakong alas-2 ng hapon.

Si Gutierrez ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Abigail Santos Domingo-Laylo ng Malabon City Family Court Branch 4 para sa paglabag sa Lascivious Conduct under Section 5 (b) of RA 7610 noong Enero 6, 2023 na may inirekomendang piyansa na P180,000 para sa kanyang pansamantalang kalayaan. Boysan Buenaventura