Most wanted person ng Malabon, arestado ng DID-NPD

Most wanted person ng Malabon, arestado ng DID-NPD

January 17, 2023 @ 1:56 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Nalambat ng mga operatiba ng District Intelligence Division ng Northern Police District (DID-NPD) ang isang lalaki na listed bilang most wanted sa isinagawang manhunt operation sa Malabon City, kahapon ng umaga.

Kinilala ni DID chief P/Col. Allan Umipig ang naarestong akusado bilang si Geoffrey Bonifacio, 39 ng No. 9 Isagani St., Brgy. Acacia, Malabon City.

Sa kanyang report kay NPD District Director PBGEN Ponce Rogeliop Peñones Jr, sinabi ni Umipig na nakatanggap sila ng impormasyon na naispatan ang presensiya ni Bonifacio sa kanilang lugar.

Alinsunod sa kampanya ng PNP kontra wanted persons, agad nagsagawa ang mga operatiba ng DID-NPD sa pangunguna ni PCPT Glenn Mark De Villa, kasama ang mga tauhan ng DSAT ng joint manhunt operation na nagresulta sa pagkakaaresto kay Bonifacio sa kanyang bahay sa dakong alas-6:30 ng umaga.

Ani PCPT De Villa, si Bonifacio ay inaresto nila sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Regional Trial Court (RTC) Branch 169, Malabon City noong October 6, 2022 para sa kasong Attempted Murder.

Pansamantalang nakapiit sa custodial facility ng DID-NPD ang akusado habang ibinalik naman sa nag-isyung korte ang warrant of arrest. Boysan Buenaventura