Most wanted person sa droga dinamba sa Caloocan

Most wanted person sa droga dinamba sa Caloocan

October 16, 2022 @ 11:53 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nalambat ng mga alagad ng batas ang nangunguna sa talaan ng Most Wanted Persons ng Caloocan City.

Inaresto si Rex B. Gardose, 31, may kinakasama, ng 734 Libis Baesa, Barangay 160, Caloocan City tanghali ng Oktubre 14, 2022 sa Libis Baesa, Barangay 160.

Dinakip ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest para sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na inisyu ni Hon. Victoriano Bañez Cabaños, Presiding Judge, Regional Trial Court Branch 127, Caloocan na may petsang Setyembre 6, 2022, kung saan Php 200,000 ang inirekomendang pyansa.

Si Gardose ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Caloocan City Police Station para sa dokumentasyon at wastong disposisyon. Merly Iral