Most wanted person sa Malabon, dinampot

Most wanted person sa Malabon, dinampot

February 24, 2023 @ 1:36 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Shoot sa selda ang isang lalaki na listed bilang most wanted matapos madakma ng pulisya sa isinagawang manhunt operation sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Malabon police chief P/Col. Amanyte Daro ang naarestong akusado bilang si Malony Razon, 43, ng No. 650-28 Marcelo H. Del Pilar St., JM Templora, Brgy. Santulan, Malabon City.

Ayon kay Col. Daro, nakatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ng Sub-Station 6 ng Malabon CPS na naispatan ang presensiya ng akusado sa kanilang lugar.

Alinsunod sa kampanya ng PNP kontra wanted persons, agad nagsagawa ang mga tauhan ng SS6 sa pangunguna ni PMAJ Carlos Cosme Jr at mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng joint manhunt operation na nagresulta sa pagkakadakip kay Razon sa Templora St. Brgy. Santulan, dakong alas-9:20 ng gabi.

Ani Major Cosme, si Razon ay dinakip nila sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Regional Trial Court (RTC) Branch 291, Malabon City noong Hunyo 18, 2021, para sa paglabag sa Malversation of Public Funds or Property; Presumption of Malversation (RPC Art. 217) (8 Counts). Boysan Buenaventura