Most wanted person sa pagpatay nabitag sa Navotas

Most wanted person sa pagpatay nabitag sa Navotas

December 26, 2022 @ 10:42 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Bagsak sa kalaboso ang isang mister na listed bilang most wanted sa kasong murder matapos malambat ng pulisya sa manhunt operation sa Navotas City, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni Navotas police chief P/Col. Dexter Ollaging ang naarestong suspek bilang si Raul Sioson, 56 ng Brgy. NBBN ng lungsod.

Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) District Director PBGEN Ponce Rogelio Peñones Jr, sinabi ni Col. Ollaging na dakong alas-2:05 ng hapon nang maaresto ng mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section (WSS) at IDMS ng Navotas police si Sioson sa manhunt operation in relation to S.A.F.E. NCRPO sa Kalatog Pinggan St., Barangay NBBN.

Ani Ollaging, unang nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng WSS na naispatan ang presensiya ng akusado sa kanilang lugar kaya agad silang nagsagawa ng police operation.

Si Sioson ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Regional Trial Court (RTC) Branch 74, Malabon City, noong September 19, 2018 para sa kasong Murder. Boysan Buenaventura