Most wanted person sa tangkang pagpatay, dinampot sa Navotas

Most wanted person sa tangkang pagpatay, dinampot sa Navotas

January 26, 2023 @ 1:00 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Swak sa loob ng selda ang isang lalaking most wanted sa tangkang pagpatay matapos masakote ng pulisya sa isinagawang manhunt operation sa Navotas City, kamakalawa ng hapon.

Pinuri ni Northern Police District (NPD) District Director PBGEN Ponce Rogelio Peñones Jr, si Navotas police chief P/Col. Dexter Ollaging sa kanilang masigasig na kampanya kontra wanted persons na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusadong si Michael Cusi, 31, residente ng 4 T. Policarpio St., Brgy. San Jose.

Ayon kay Col. Ollaging, nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Warrant and Subpone Section (WSS) ng Navotas police na naispatan ang presensiya ng akusado sa kanilang lugar.

Alinsunod sa kampanya ng PNP kontra wanted persons, agad nagsagawa ang mga operatiba ng WSS, kasama ang Sub-station 3 ng joint manhunt operation in relation to S.A.F.E. NCRPO na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado malapit sa kanyang bahay bandang ala-1:40 ng hapon.

Si Cusi ay dinakip ng mga pulis sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Navotas City Regional Trial court (RTC) Branch 287 noong January 9, 2023 para sa kasong Attempted Murder. Boysan Buenaventura