Most wanted sa 14 kaso ng rape huli sa Zambo

Most wanted sa 14 kaso ng rape huli sa Zambo

March 7, 2023 @ 11:33 AM 3 weeks ago


ZAMBOANGA CITY – ARESTADO ang isang most wanted person na may 14 na kasong rape sa isinagawang manhunt operation ng mga awtoridad, iniulat kahapon sa Zamboanga del Norte.

Kinilala ni Col. Glenn Dulawan, Zamboanga del Norte police director, ang suspek na si Rexie del Rosario, 40-anyos at residente sa Barangay San Jose, Sergio Osmeña, Zamboanga del Norte.

Batay sa report ng Zamboanga-PNP, dakong 7:40AM noong Linggo nadakip ang suspek sa Sitio Agus, Barangay Lantay, Pangantucan, Bukidnon.
Sa bisa ng arrest warrants sa kasong rape by sexual assault nadakip ang suspek na may piyansang P200,000 bukod pa sa 13 kasong rape at walang inirekomendang piyansa na ipinalabas ng Dipolog City court, Zamboanga del Norte noong August 2022.

Samantala, nadakip ang 17-anyos na binatilyo sa Zone 3, Barangay Guisao sa kasong paglabag sa Republic Act 8485 or the Animal Welfare Act of 1998.
Nag-ugat kaso ng binatilyo matapos ireklamo ng kanyang kapitbahay dahil sa pananaga sa alagang aso ng huli.

Dinala naman sa Center for Children in Conflict with the Law ang binatilyo para sa karampatang disposisyon./Mary Anne Sapico