Most wanted sa Aliaga, Nueva Ecija arestado sa manhunt ops

Most wanted sa Aliaga, Nueva Ecija arestado sa manhunt ops

June 23, 2022 @ 6:00 PM 6 days ago


MANILA, Philippines- Kulungan ang hinantungan ng isang 35-anyos na lalaki makaraang ikasa ang isang operasyon, sa bayan ng Aliaga nitong Martes, June 21.

Sa ulat na nakarating sa tanggapan ni Nueva Ecija director, P/Col. Jess Mendez, kinilala ang arestadong suspek na si Randy Lacanilao y Barayuga, binata at residente ng Barangay LaPurisima, Aliaga, Nueva Ecija.

Sa report ng pulisya, ganap na alas-6:30 ng umaga nang arestuhin ang suspek ng pinagsanib na pwersa nang Aliaga police station, Nueva Ecija Police Provincial Office (NEPPO), Provincial Intelligence Unit (PIU), Provincial Highway Patrol Team, (PHPT), 2nd Provincial Mobile Force Company(2nd PMFC) at Regional Mobile Force Battalion 3(303rd), sa itinakdang manhunt charlie operation, sa Barangay La Purisima Aliaga.

Hindi na nagawa pang pumalag ng suspek makaraang ihain dito ang warrant of arrest para sa di-umanoy reklamong panggagahasa sa ilalim ng article no. 266-A PAR 1 of the Revised Penal Code na may criminal case number SD(22)-7016 na inisyu ng korte sa Regional Trial Court (RTC), Branch 88 Sto. Domingo, Nueva Ecija at wala umanong piyansa.

Pansamantala ang suspek ay nasa custodial facilty ng nasabing istasyon ng pulisya. Elsa Navallo