Most wanted sa Central Luzon nasakote sa Bulacan

Most wanted sa Central Luzon nasakote sa Bulacan

October 17, 2020 @ 4:15 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Matapos ang 4 taong pagtatago, naaresto ng Bulacan Police ang itinuturing na ‘most wanted person’ ng Central Luzon sa kanyang pinagtataguan sa San Jose del Monte City, Bulacan.

Sa ulat kay P/Col. Lawrence B. Cajipe, director ng Bulacan Police Provincial Office, ang pag-aresto sa akusado ay magkatuwang na isinagawa ng San Jose Del Monte City Police Station (SJDM CPS), Bulacan Provincial Intelligence Team (PIT) at Bulacan Provincial Investigation and Detection Management Unit (PIDMU) sa Brgy. Muzon, CSJDM, Bulacan, 7:35 kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang akusado na si Ervin San Pedro, alyas “Bakal”, na may tunay na pangalang Airvin San Pedro. Inaresto siya sa bisa ng warrant of arrest sa kasong murder na inisyu ni Hon. Gregorio S. Sampaga ng Regional Trial Court, Branch 78, Malolos City, Bulacan noong Hunyo 9, 2016.

Ang akusado ay kabilang sa responsable sa pagpatay kay Donato de Roxas na iniulat na nawala noong Abril 12, 2015 at natagpuang palutang-lutang ang bangkay sa  Labangan Channel noong Abril 13, 2015.

Si San Pedro ay kasalukuyang nasa kustodiya ng San Jose del Monte Police Station (SJDM CPS) para sa kaukulang disposisyon. (Danny Gravador)


  •  
  •  
  •  

Loading...