Most wanted sa kasong frustrated murder nabitag sa OTBT sa Navotas

Most wanted sa kasong frustrated murder nabitag sa OTBT sa Navotas

September 29, 2022 @ 9:29 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Isinelda ang isang most wanted person sa kasong frustrated murder matapos madakip sa isinagawang One Time Big Time (OTBT) operation sa Navotas City, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni Navotas police Chief Col. Dexter Ollaging ang naarestong akusado bilang si Rodelio De Guzman, 54 ng 278 S. Roldan St., Brgy. Tangos South.

Sa ulat, nakatanggap ang Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Navotas police ng impormasyon na naispatan ang presensya ng akusado sa kanilang lugar kaya nagsagawa sila ng validation sa naturang lugar.

Nang positibo ang ulat, kaagad nagsagawa ng joint manhunt operation in relation to SAFE NCRPO ang WSS at Sub-Station 2 na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado dakong ala-1:05 sa kanyang bahay.
Si De Guzman ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Zaldy B. Docena ng Regional Trial Court (RTC) Branch 170, Malabon City para sa kasong Frustrated Murder.

Kasalukuyang nakapiit sa detencion cell ng Navotas police si De Guzman habang hinihintay ang issuance ng kanyang Commitment Order. Boysan Buenaventura