Most wanted sa kasong rape, nasakote sa Caloocan

Most wanted sa kasong rape, nasakote sa Caloocan

March 9, 2023 @ 7:10 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Himas- selda ang isang lalaki na listed most wanted sa kasong rape matapos matimbog ng pulisya makaraang magsagawa ng manhunt operation sa Caloocan City.

Kinilala ni Caloocan Police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang suspek na si Arvin Ed Sudiacal, 25, residente ng #204 WWP Road, NCH Village, T.E, Barangay 186 ng nasabing lungsod.

Base sa isinumiting ulat ni Col. Lacuesta kay Northern Police District (NPD) Director PBGEN Ponce Rogelio Penones Jr,, nakatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) na naispatan ang presensya ng akusado sa Brgy. 80, Caloocan City.

Alinsunod sa kampanya ng PNP kontra wanted persons, agad nagsagawa ang mga tauhan ng WSS-IDMS sa pangunguna ni PMAJ Jeraldson Rivera ng manhunt operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado dakong alas-12:45 ng hapon sa PNR Compound, Samson Road, Barangay 80.

Ani PMAJ Rivera, si Sudiacal ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Family Court (FC) Branch 13, Quezon City noong February 21, 2023, para sa kasong Rape under Art. 266-A (I), RPC, as amended by RA 8353, Rape through Sexual Assault under Second Par. Of Art. 266-A of the RPC as amended by RA 8353, Attempted Rape under Art. 266-A of the RPC as amended in relation to Art. 6 of the same code, Lasciviousness Conduct under Sec. 5(B) of RA 7610. R.A Marquez